^

PSN Palaro

Fernandez pinabilib ni Dela Rosa

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa larong sumukat sa tikas ng three-time defen­ding champion San Beda, ang beteranong si Rome dela Rosa ang siyang tumayo para balikatin ang koponan tungo sa panalo sa San Sebastian at Perpetual Help.

“Wala na akong mahihingi sa kanya dahil tala­gang maganda ang inila­laro niya sa amin,” wika ni Lions coach Boyet Fernandez sa 22-anyos na si Dela Rosa na siyang ginawaran ng ACCEL 3XVI NCAA Press Corps Player of the Week na suportado rin ng Gatorade.

Unang nasukat ang Lions sa Perpetual Help na kanilang natakasan sa overtime, 78-76, dahil na rin sa isang key assist ni dela Rosa kay Arthur dela Cruz.

Sa laro kontra sa Stags, naghabol ang Lions at natiyak nila ang panalo nang naipasok ng 6’1 cager ang buslo mula sa pasa ni Dela Cruz tungo sa 72-68 tagumpay.

Sa dalawang naipanalong laro, ang anak ng da­ting PBA player Romy dela Rosa ay naghatid ng mga numero na 15 puntos, apat na rebounds, 1.5 assists at 1.5 steals kada laban.

May 13-2 baraha na ang Lions na halos selyado na ang isang twice-to-beat advantage na ibibigay sa mangungunang dalawang koponan.

Ang pambatong sentro ng Lions na si Olaide Adeogun ay ikinonsidera rin sa lingguhang parangal bukod pa kina Raymund Almazan ng Letran, Mark Francisco ng Lyceum at Jolas Paguia ng EAC.

vuukle comment

BOYET FERNANDEZ

DELA CRUZ

DELA ROSA

JOLAS PAGUIA

MARK FRANCISCO

OLAIDE ADEOGUN

PERPETUAL HELP

PRESS CORPS PLAYER OF THE WEEK

RAYMUND ALMAZAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with