^

PSN Palaro

Smart-Maynilad puntirya ang quarters vs Cagayan

AT - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

2 p.m. Air Force vs Army

4 p.m. Smart vs Cagayan

 

MANILA, Philippines - Puwesto sa quarterfinals ang aasintahin ngayon ng pinalakas na Smart-Maynilad sa pagbangga sa wala pang talong Cagayan Rising Suns sa Shakey’s V-League Season 10 Open Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Tampok na laro ang na­sabing bakbakan at magsisimula matapos ang pagkikita ng Philippine Army at Philippine Air Force sa alas-2 ng hapon.

Ikasiyam na panalo sa 10 laro ang nakataya sa Lady Troopers para tuma-tag ang paghahabol sa unang dalawang puwesto sa pagtatapos ng quarterfinals sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

May dalawang dikit na talo sa yugto ang Air Wo-men pero asahan na magsisikap silang maisahan ang Army para tumibay ang kapit sa mahalagang ikaapat na puwesto.

Sa kasalukuyan ay may 5-4 baraha ang Air Force at pilit na isinasantabi ang hamon ng Meralco at Phi­lippine National Police na palaban pa sa puwesto sa semis sa 3-6 at 2-7 baraha.

Natalo ang Net Spikers sa Lady Rising Suns sa pagtutuos sa elimination round, 23-25, 24-26, 20-25, pero malaki na ang pagbabago sa larong ipina­kikita ng tropa ni coach Roger Gorayeb.

Lumalim na ang pu­wersa ng Smart sa pagkapasok ng mga matitikas na sina Thai import Lithawat Kesinee at Ateneo star Alyssa Valdez.

Sa dalawang ito, si Valdez ang pinakamakinang dahil naghahatid siya ng 27-hit average matapos ang tatlong laro lamang.

Sina Valdez at Kesi­nee ay makikipagsanib-puwersa sa mga datihang sina Sue Roces, Grethcel Soltones at Charo Santos upang makuha ang ikatlong sunod na panalo sa yugto at okupahan ang ikatlong puwesto sa semis.

 

AIR FORCE

AIR WO

ALYSSA VALDEZ

CAGAYAN RISING SUNS

CHARO SANTOS

GRETHCEL SOLTONES

LADY RISING SUNS

LADY TROOPERS

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with