Gilas No. 34 na sa FIBA rankings
MANILA, Philippines - Dahil sa pag-angkin ng Gilas Pilipinas sa silver medal sa nakaraang 27th FIBA-Asia Men’s Championships noong Agosto ay tumaas ang ranggo ng bansa sa listahan ng FIBA, ang international basketball federation.
Umakyat ang Pilipinas sa No. 34 mula sa paÂgiÂÂging No. 45 sa pinakaÂbaÂgong FIBA rankings.
Tinalo ng Gilas Pilipinas ang bronze medalist na South Korea sa semifinals, 86-79, para makuha ang outright ticket sa 2014 FIBA World Championships matapos ang 35 taon.
Yumukod ang mga Pinoy sa Iran, 71-85, para sa gold medal ng FIBA-Asia tournament.
Bukod sa Pilipinas na nagkaroon ng +11 points sa FIBA rankings, ang iba pang umakyat ng posisÂyon ay ang Egypt (+14) at Mexico (+8).
Ang Mexico ay naging No. 24 mula sa pagiging No. 32 matapos angkinin ang gintong medalya sa nakaraang FIBA-Americas Championships, habang No. 46 ngayon ang Egypt buhat sa pagiging No. 60 dahil sa kanilang silver meÂdal performance sa 2013 AfroBasket.
Bumaba naman ang China sa 12th place matapos mabigong makaabanÂte sa semifinals ng FIBA-Asia, samantalang nanatili sa No. 20 ang Iran. Ang United States ang patuloy na nakaupo sa No. 1 spot kasunod ang Spain (No. 2) at Argentina (No. 3).
- Latest