^

PSN Palaro

Ex-NBA stars Drexler, Horry at J-Rose darating sa Manila para sa NBA Global Games

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Darating ang mga NBA Legends na sina Clyde “The Glide” Drexler, Robert Horry at Jalen Rose para pakina­ngin pa ang gagawing NBA Global Games Philippines sa susunod na buwan sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang mga koponan ng Houston Rockets at Indiana Pa­cers ang siyang maglalaro sa kauna-unahang pre-season NBA games sa Pilipinas sa Oktubre 10 at ang tatlong NBA Legends ay dating manlalaro ng Rockets at Pacers.

Sina Drexler at Horry ay nagsuot ng uniporme ng Rockets at magkakampi noong nanalo ng NBA title ang Houston noong 1995.

Sa kabilang banda, si Rose ay naglaro sa Pacers sa panahon na ang bida sa koponan ay si Reggie Miller.

Ang tatlo ang siya ring magiging NBA Global Games ambassadors sa bansa.

Ito ang ikalawang pagbisita nina Drexler at Horry sa Pilipinas dahil nagtungo sila rito noong 2011 NBA Madness at 2010 NBA Asia Challenge ayon sa pagkakasunod.

“The fans are very passionate about the game. I’ve been very, very fortunate to travel to a bunch of places and experience different cultures. And everyone has that love for you,” wika ni Horry.

Mula 1978 nagsimulang ilabas ng US ang NBA games o pre-season. Pero ang 2013-14 season ang maituturing bilang may pinakamaraming NBA teams at players na maglalaro sa ibang bansa,

Sampung siyudad sa pitong bansa ang bibisitahin ng NBA para magdaos  ng 10 regular season at pre-season games na katatampukan ng 12 koponan.

ASIA CHALLENGE

DREXLER

GLOBAL GAMES

GLOBAL GAMES PHILIPPINES

HOUSTON ROCKETS

INDIANA PA

JALEN ROSE

MALL OF ASIA ARENA

NBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with