^

PSN Palaro

Cagayan, Army pasok sa Final 4

AT - Pilipino Star Ngayon

STANDINGS W   L

Cagayan                     8   0

Army               8   1

Smart             5   3

Air Force                    5   4

Meralco                      3   5

PNP                2   6

Laro sa Biyernes

(The Arena, San Juan City)

2 p.m.  PNP

vs Smart-Maynilad

4 p.m. Cagayan vs Meralco

 

 

MANILA, Philippines - Tinalo ng Cagayan Pro­vince at Philippine Army ang  mga nakatunggali para kunin ang mga puwesto sa semifinals ng Shakey’s V-League Season 10 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Isinantabi ng Lady Ri­sing Suns ang pagkawala ng pambatong Thai spiker na si Kannika Thipachot sa second set nang sandalan ang husay nina Shile Pineda, Aiza Maizo at Angeli Tabaquero para makabangon mulo sa 1st set pagkatalo tungo sa 22-25, 25-20, 25-20, 25-22, panalo sa Philippine Air Force.

Si Thipachot ay itinakbo ng ospital dala ng pananakit ng tiyan.

Inilabas si Thipachot sa puntong lamang lang ng isa ang Cagayan, 16-15, pero ang hinugot ni coach Nestor Pamilar na si Pineda ay handa para punuan ang puwesto tungo sa pagtabla sa iskor sa 1-1 sa 25-20 pa­­nalo.

Mula rito ay hindi na nagpabaya pa ang Lady Rising Suns at malaki rin ang iniambag ni Phomia Soraya na siyang nagdala sa opensa ng koponan tu­ngo sa ikawalong sunod na panalo sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

“Malaki ang tulong ng magandang laro ni Pineda dahil malaking bagay ang pagkawala ni Thipachot,” wika ni Pamilar.

Ito ang unang laro ng Cagayan matapos mapa­hinga ng 12 araw at si Maizo ay mayroong 18 hits habang si Tabaquero ay naglista ng 13 at sila ay nagsanib sa 24 kills at 7 blocks.

May 16 attacks, 2 serves at 1 block si Rachel Ann Daquis para pamunuan ang Lady Troopers sa 25-18, 25-19, 25-19, straight sets panalo sa Meralco para sungkitin ang ikawalong panalo sa siyam na laro.

Lumabas ang tikas ng Lady Troopers sa panahong  humahabol ang Po­wer  Spikers para okupahan na rin ang puwesto sa Final Four sa ligang may ayuda rin ng Accel at Mikasa.

Bagamat pasok na sa semis, magpupuntirya pa rin ng panalo ang Cagayan at Army para kunin ang number one seeding.

Bumaba ang Air Force sa pang-apat na puwesto sa  5-4 baraha habang nasa ikalima ang Meralco kapos ng dalawang panalo sa Air Women sa 3-5  karta.

AIR FORCE

AIR WOMEN

AIZA MAIZO

ANGELI TABAQUERO

CAGAYAN PRO

LADY TROOPERS

MERALCO

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with