^

PSN Palaro

Perez may pinatunayan sa Stags

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpapanalo ang San Sebastian dahil sa mahusay na paglalaro ng kanilang mga rookies.

Isa nga si Jaymar Perez sa mga nagpasikat noong nagtala ng apat na sunod na panalo ang Stags para manatiling hawak ang mahalagang ikaapat na puwesto sa 8-5 baraha sa 89th NCAA men’s basketball.

Sa huling laro laban sa Lyceum lumabas ang ba­ngis ni Perez na tamang-tama dahil tatlo sa kanyang kakampi na sina Jamil Ortouste, Leo de Vera at Bradwyn Guinto ang hindi nakapaglaro dahil sa injury o may sakit.

Pero hindi naramdaman ito ng tropa ni coach Topex Robinson dahil gumawa ang 19-anyos tubong Pangasinan ng 28 puntos at 11 rebounds bukod pa sa tatlong steals.

Aminado naman si Pe­r­ez na nagagawa niyang  makatulong sa team dahil sa pagtitiwalang ibinibigay sa kanya ni Robinson.

Sa ipinakitang mainit na paglalaro, si Perez ang siyang ginawaran ng linggu­hang ACCEL/3XVI NCAA Press Corps Player of the Week.

Ang iba pang ikinonsidera sina Perpetual Help Juneric Baloria at Harold Arboleda bukod pa kay Jolas Paguia ng EAC.

BRADWYN GUINTO

HAROLD ARBOLEDA

JAMIL ORTOUSTE

JAYMAR PEREZ

JOLAS PAGUIA

PEREZ

PERPETUAL HELP JUNERIC BALORIA

PRESS CORPS PLAYER OF THE WEEK

SAN SEBASTIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with