^

PSN Palaro

Stags binalikan ang Pirates

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinaon sa limot ng San Sebastian ang upset na naihatid ng Lyceum sa unang pagkikita nang kunin ang 58-53 panalo sa 89th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Lumayo ng hanggang 12 puntos ang Stags sa huling yugto at sapat ang naipundar na kalamangan sa tangkang pagbalikwas ng Pirates upang maisulong ang pumapang-apat na karta sa 8-5 baraha.

Si Jaymar Perez ay may 28 puntos at 11 rebounds pero nakatuwang niya ang beteranong si Jovit dela Cruz nang nanakot sa ikatlong yugto ang Pirates upang maipaghiganti ang tinamong 55-60 pagkatalo sa first round.

Naunang dumikit ang Lyceum sa 39-37 pero apat na sunod na puntos ni Dela Cruz ang nagtulak sa Stags sa 45-37 lamang sa pagtatapos ng ikatlong yugto.

Isang 5-0 bomba ang ibinulaga ng Baste sa hu­ling yugto na kinatampukan ng tres ni Perez para ibigay ang 49-37 kalamangan bagay na naprotektahan ng koponan ni coach Topex Robinson kahit nakadikit uli sa dalawa ang Pirates, 55-53, sa limang sunod na puntos ni Shane Ko.

Ito ang ika-siyam na pagkatalo ng tropa ni coach Bonnie Tan matapos ang 13 laro at kailangan nilang walisin ang nalalabing limang laro at ipanalangin na hindi lalampas sa siyam na panalo ang iba pang palaban sa Final Four para magkaroon  ng tsansa na makahirit ng playoff.

SSCR 58-Perez 28, Dela Cruz 6, Rebollos 5, Gusi 4, Tano 4, Trinidad 3, Vergara 3, Balucanag 2, Aquino 2, Magno 1.

LPU 53--Zamora 12, Ko 11, Mbomiko 10, Lesmoras 6, Francisco 4, Ambohot 4, Azores 2, Lacastesantos 2, Taladua 2, Mendoza  0.

Quarters: 23-12, 36-20, 45-37, 58-53.

vuukle comment

BONNIE TAN

DELA CRUZ

FINAL FOUR

PEREZ

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

SHANE KO

SI JAYMAR PEREZ

TOPEX ROBINSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with