Goodbye Ateneo! UST sasagupa sa Nu sa final 4
MANILA, Philippines - Tinapos ng UST ang 14 taon na nasa Final Four ang Ateneo sa pamamagitan ng 82-74 panalo sa pagtatapos ng 76th UAAP men’s basketball elimination round kaÂgabi sa Smart Araneta Coliseum.
Hindi nasayang ang pagÂsuporta ng mga panatiko ng Tigers nang kakitaan ng ibayong tikas ang koponan nang hindi nawala ang kumpiyansa kahit nakita ang Eagles na bumangon mula sa 18 puntos pagkakalubog (37-19) at nakalamang pa bago matapos ang ikatlong yugto (48-45).
“It’s all about puso, then yung pride,†ani Tigers coach Alfredo Jarencio na naibaÂngon din ang sarili matapos matalo sa Eagles sa Finals noong nakaraang season tungo sa ikalimang sunod na UAAP title ng Ateneo.
Si Karim Abdul ay may 25 puntos, 9 rebounds at 5 blocks at siya ang naunang nagtrabaho matapos gumawa ng 19 puntos sa first half.
Tumahimik siya sa seÂcond half pero naroroon sina Aljon Mariano, Ed Daquioag at Jeric Teng na siyang nagtulong-tulong sa huling yugto na kung saan umiskor ng 30 puntos ang UST.
Ang bumabalik galing sa injury na si Teng ay kumaÂmada ng limang sunod na free throws sa huling 27.9 segundo para maisantabi ang huling pagdikit ng Ateneo sa 77-74 mula sa tres ni Nico Elorde.
“Ayokong mangyari na ito na ang magiging last game ko. Sobrang happy ako sa panalo,†wika ni Teng, may 19 puntos at nasa kanyang huling taon ng paglalaro sa liga.
Ang panalo ang ikawalo sa 14 na laro ng Tigers para kunin ang karapatan na laban ang number one team na National University sa Final Four na magsisimula sa Linggo.
Ang La Salle at FEU ang magtatagisan sa isang pares sa semis pero magtutuos muna sila para sa number two seeding at twice-to-beat advantage sa Sabado.
Si Kiefer Ravena ay may 20 puntos, 6 rebounds at 5 assists habang si Chris Newsome ay naghatid ng 13 puntos at 7 rebounds para sa Ateneo na natapos ang streak ng paglalaro sa Final Four na nasimulan noong 1998.
Winakasan naman ng UE ang kinapos na kamÂpanÂya gamit ang 76-73 panalo sa UP tungo sa 7-7 baraha.
UE 76-- Mammie 21, Casajeros 17, Olivares 12, Jumao-as 9, Alberto 7, Santos 6, Javier 4, Sumido 0, Pujante 0, Noble 0, Guion 0.
UP 73 - Marata 22, Soyud 15, Lao 10, Suarez 6, Ligad 5, Gallarza 4, Asilum 3, Wong 2, Harris 2, Ball 2, Gingerich 1, Amar 1, Paras 0, Desiderio 0.
Quarterscores: 20-19, 44-34, 66-55, 76-73.
UST 82 - Abdul 25, Teng 17, Daquioag 13, Ferrer 10, Mariano 7, Bautista 6, Sheriff 4, Pe 0, Lo 0, Lao 0.
ADMU 74 - Ravena 20, Newsome 13, Elorde 12, Buenafe 9, Pessumal 8, Golla 4, Erram 4, Tolentino 2, Tiongson 2, Capacio 0.
Quarterscores: 25-14, 39-26, 52-51, 82-74.
- Latest