Pacquiao kikita ng $18M vs Rios
MANILA, Philippines - Hindi hamak na mas maÂliit ang tatanggaping prize money ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao sa kanyang pagsagupa kay Brandon ‘Bam Bam’ Rios kumpara sa nakuha ni Floyd Mayweather, Jr. nang talunin si Canelo Alvarez noong Linggo.
Sa panayam ng ABS-CBN North America Bureau, sinabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na tatanggap si Pacquiao ng guaranteed prize na $18 milyon sa kanyang pagsagupa kay Rios sa Nobyembre 24 sa The Venetian sa Macau, China.
“Manny is guaranteed $18 million, but we hope at the end of the day, he will do well enough so that he will get around $30 million,†wika ni Arum sa 34-anyos na Filipino boxing superstar.
Bibigyan naman ang 27-anyos na si Rios ng $4 milyon sa kanilang banggaan ni Pacquiao.
Tumanggap ang 36-anyos na si Mayweather ng record na $41.5 milyon sa kanyang unanimous decision win laban sa 23-anÂyos na si Alvarez para agawin sa Mexican ang suot nitong World Boxing Council light middleweight crown.
Sinabi ni Mayweather na plano pa niyang lumaban ng dalawang beses sa susunod na taon, ngunit wala sa kanyang listahan si Pacquiao.
Nakatakdang labanan ni Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) si Rios (31-1-1, 23 KOs) para sa World Boxing Organization International welterweight title sa Nobyembre 24 sa The Venetian sa Macau, China.
- Latest