Panahon na ng NU PEP squad, kampeon sa cheerdance
MANILA, Philippines - Nagbunga ang maagang paghahanda ng National University nang kunin ang kauna-unahang UAAP Cheerdance Competition title na pinaglabanan kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan sa labas ng venue, mainit at suwabeng ipinakita ng NU Pep Squad ang kanilang mahusay na performance gamit ang Arabian theme para maÂkagawa ng kasayÂsayan sa kompetisyong sinimulan noong 1994.
Hinahawakan ni Ghicka Bernabe bilang coach, naÂkakuha ang NU Pep Squad ng nangungunang 696.5 puntos para higitan ang naitalang pangatlong puwesto noong 2012 sa kompetisyong suportado ng Samsung.
Ang University of the Philippines Pep Squad na nagbalak na manalo sa ikaÂapat na sunod na taon ay nabigo at nakontento sa pangalawang puwesto sa 602.5 puntos. Ininda ng koponan ang ilang pagkakamali para matapos ang pagdodomina sa kompetisyon.
Kinuha ng La Salle ang ikatlong puwesto sa 596.5 puntos.
Ang panalo ng NU ay nagkakahalaga ng P340,Â000.00 habang ang UP ay nakakubra ng P200,000.00 at ang La Salle ay may P140,000.00 premÂyo.
Ang iba pang koponan na kasali at ang kanilang tinapos ay FEU (589.5), AdamÂson (559.5), UE (559), UST (546) at Ateneo (514).
Umabot sa record crowd na 20,830 ang sumaksi sa kompetisyon at kinumpleto ng NU ang ‘di makakalimutang araw dahil sila rin ang nanalo sa Group Stunt competition habang ang FEU at UST ang tumapos sa sunod na dalawang puwesto.
Hinirang naman si Ana de Leon bilang 2013 Samsung Stunner.
- Latest