^

PSN Palaro

Ravena nahirang na UAAP Jr. MVP

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinapos ni Thirdy Ra­ve­na ang pitong taong paghihintay na may isang high school player mula Ateneo ang manalo uli ng  Season Most Valuable Pla­yer (MVP) award sa UAAP.

Lumabas man na pina­kamahusay na koponan ang National University sa double-round elimination, si Ravena naman ang kumuha ng taguri bilang pinakamahusay na manlalaro sa naunang yugto nang kunin ang 79.5714 statisticap points at angkinin na rin ang MVP plum.

Sa istatistika ibinabase ng UAAP ang mananalo sa pinakaprestihiyosong individual awards at si Bacon Austria ang huling na­kagawa nito para sa Eaglets na nangyari noong 2006.

Kumubra ang fourth year student na si Ravena ng 18.7 puntos, 11.2 rebounds at 4.3 assists para makalikom ng nangungunang 949 Statistical Points. May 11-3 karta ang Blue Eaglets para magkaroon pa ng 165 bonus points ang nasabing manlalaro tungo sa nakuhang kabuuang SP.

Tatlong National University players na sina Mark Dyke, John Cauilan at Hubert Cani ang nasa top five ng karera upang maipa­kita kung bakit nagawa ng Bullpups na walisin ang 14  na laro at dumiretso na sa Finals at magtataglay ng thrice-to-beat advantage sa makakatunggali.

Sakaling magpatuloy pa ang makinang na paglalaro ni Ravena at masilat ang patok sa titulo na Bullpups, malaki ang posibilidad na gumawa siya ng kasaysayan na maging kauna-una­hang manlalaro na nanalo sa Season at Finals MVP ng liga.

 

vuukle comment

BACON AUSTRIA

BLUE EAGLETS

HUBERT CANI

JOHN CAUILAN

MARK DYKE

NATIONAL UNIVERSITY

RAVENA

SEASON MOST VALUABLE PLA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with