Humirit ng playoff: Archers pinana ang Tigers
Laro sa Miyerkules
(Smart Araneta Coliseum)
2 p.m. UE vs UP
4 p.m. Ateneo vs UST
MANILA, Philippines - Kinumpleto ng La Salle ang pagwalis sa pitong laro sa second round nang panain ang UST, 69-64, sa 76th UAAP men’s basketball kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Lumayo ang Archers ng hanggang 14 puntos sa ikatlong yugto bago naisantabi ang pagbangon ng Tigers sa pagtutulungan nina Jeron Teng, Norbert Torres at Almond Vosotros para wakasan ang double-round elimination bitbit ang 10-4 baraha.
Nakasalo ngayon ang tropa ni coach Juno Sauler sa pahingang National University at FEU sa unang puwesto pero umabante na sa number one seeding ang Bulldogs dahil sa mas magandang quotient.
Ang Archers at TamaÂraws ay magtutuos sa isang playoff para malaman kung sino ang hahaÂwak sa twice-to-beat advantage sa pagkikita ng dalawang koponan sa Final Four.
Si Teng ay tumapos ng 19 puntos at 11 rebounds at ang apat niyang puntos, kasama ang dalawang free throws, ang nagpaÂniÂngas sa 9-4 palitan para hawakan ng La Salle ang 68-61 kalamangan sa huÂling 20 segundo.
Bago ito, nakapanakot pa ang Tigers sa pagdikit sa dalawang puntos, 57-59, sa buslo ni Karim Abdul.
Si Torres ay naghatid ng 14 puntos at 13 rebounds habang si Vosotros ay may 11 para sa Archers na binawian ang Tigers matapos itong manalo sa unang ikutan.
Bumaba ang UST sa 7-6 baraha at mahaharap sa knockout game laban sa Ateneo para sa ikaapat at huling upuan sa semifinals na gagawin sa Miyerkules.
Dinurog ng UE ang Adamson, 77-60, para kunin ang ikaanim na panalo sa 13 laro at ipatikim sa Falcons ang ikasampung pagyuko laban sa apat na panalo.
Ipinagkait din ng panaÂlong ito ang hanap na magandang pamamaalam para kay Falcons coach Leo Austria na naunang nagsabi na hindi na babalik sa koponan sa susunod na taon matapos magkaroon ng pagdududa ang pamunuan sa kanyang kakayahang mag-coach.
Samantala, idaraos ngaÂyong alas-2 ng hapon ang Cheerleading Competition na kung saan pakay ng UP ang ikatlong sunod na titulo ngunit mapapalaban sila nang husto sa ibang katunggali lalo na ang National University na pinaghandaan ang edisÂyong ito.
Ang NU ay pumaÂngatlo sa nagdaang edisyon pero kumbinsidong kaya nilang agawin ang unang puwesÂto sa taong ito. (ATan)
DLSU 69: Teng 19, N Torres 14, Vosotros 11, Perkins 7, Van Opstal 6, Revilla 6, Torres 3, Salem 3, Reyes 0, Montalbo 0, De La Paz 0.
UST 64: Abdul 18, Mariano 16, Teng 10, Bautista 6, Sheriff 5, Ferrer 5, Lo 2, Daquioag 2, Pe 0, Faundo 0.
Quartersscores: 15-13, 37-30, 53-45, 69-64.
- Latest