Lady Wildcats pasok sa UCAA semis
MANILA, Philippines - Sumandal ang National College of Business and Arts Lady Wildcats kay Michelle Gerona para talunin ang PhiÂlippine School of Business Administration Lady Jaguars, 27-25, 25-27, 25-22, kahapon sa Rizal Technological University gymnasium sa Mandaluyong.
Ipinasok si Gerona sa third set na siyang naging susi sa pagsikwat ng Lady Wildcats sa huling tiket sa semifinals ng 12th Universities and Colleges Athletic Association (UCAA) women’s volleyball tournament.
Tinapos ng Lady Wildcats ang eliminations bitbit ang 2-2 card para makatabla ang Trinity University of Asia Lady spikers na bumigo sa Rizal Technological University Lady Thunder (2-2), 27-25, 11-25, 25-19, 25-16.
Umiskor si Gerona, pinalitan si Jimerry Mendoza, ng points mula sa kanyang mga atake para makawala ang Lady Wildcats sa isang 14-all deadlock.
Makakaharap ng Lady Wildcats ang Trinity sa pagsisimula ng semis sa Martes sa Ugnayang La Salle gymnasium sa Dasmariñas, Cavite, habang lalabanan ng La Salle-Dasma (4-0) ang RTUsa isa pang semis duel.
- Latest