^

PSN Palaro

San Beda aagawin ang solong liderato vs EAC

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pipilitin ng Red Lions na maagaw ang liderato, habang hangad ng Stags na mapalakas ang kapit sa ikatlong puwesto.

Haharapin ng three-time champions  San Beda College ang Emilio Aguinaldo College ngayong alas-6 ng gabi matapos ang salpukan ng San Sebastian College at Mapua sa alas-4 ng hapon sa second round ng 89th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan.

Nanggaling ang Red Lions sa 68-54 pagpapadapa sa Jose Rizal Heavy Bombers noong Setyembre 9 kung saan humakot si import Ola Adeogun ng 20 points at 10 rebounds at nagdagdag sina Baser Amer at Rome Dela Rosa ng 15 at 11 markers, ayon sa pagkakasunod.

Nagmula rin sa tagum­pay ang Generals matapos gitlain ang Perpetual Altas, 70-68, sa kanilang huling laro na nagtampok sa 22 points ni Jan Jamon.

Tinalo ng San Beda ang EAC, 80-65, sa kanilang unang pagtatagpo sa first round noong Hulyo 8.

Sa unang laro, reresbakan naman ng Stags ang Cardinals na tumalo sa kanila sa una nilang paghaharap, 104-99, noong Hul­yo 1.

Nasa isang two-game winning run ngayon ang San Sebastian matapos iskoran ang EA, 90-69, noong Setyembre 5 at ang Arellano, 54-49, noong Setyembre 9 na nagpa­lakas sa kanilang pag-asa sa Final Four.

vuukle comment

BASER AMER

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FINAL FOUR

JAN JAMON

JOSE RIZAL HEAVY BOMBERS

OLA ADEOGUN

PERPETUAL ALTAS

RED LIONS

SETYEMBRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with