PANOORIN: EJ Obiena, binasag ang sariling record sa Asian Games
MANILA, Philippines — Binasag ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena ang sarili niyang Asian Games record matapos tumalon ng 5.91 meters at matagumpay na idepensa ang kanyang pole vault title nitong Lunes ng gabi, para sa ikatlong gold medal ng Pilipinas sa 2026 Asian Games.
Nalampasan ni Obiena ang 5.50m, 5.60m at 5.75m sa kanyang unang pagtatangka bago dalawang beses na hindi nagtagumpay sa 5.80m.
Siya lamang ang nakatawid sa 5.75m sa 12-man field para masungkit ang kanyang ikalawang sunod na Asian Games gold.
Bagong record
Matapos masungkit ang ginto, tinangka ni Obiena na lampasan ang sarili niyang Asian Games record na 5.90m na itinakda niya sa 2023 Hangzhou Games.
Matagumpay niyang nalampasan ang 5.91m para magtakda ng bagong Games record.
Ang kanyang gold medal ang ikatlo ng Pilipinas sa Games, matapos ang dalawang ginto ni Carlos Yulo sa gymnastics.
- Latest
















