La Salle Dasma, RTU spikers nanilat sa UCAA

Laro sa Biyernes

(Olivarez College gymnasium)

10 a.m. PSBA vs NCBA (W)

11:30 a.m. RTU vs Trinity University of Asia (Women)

1 p.m. Trinity vs NCBA (M)

2:30 p.m. Olivarez College vs La Salle-Dasma (Men)

 

MANILA, Philippines - Kapwa umiskor ng panalo ang defending champion La Salle Dasmariñas at Rizal Technological University sa magkahiwalay na kalaban sa  12th Universities and Colleges Athle­tics Association (UCAA) women’s volleyball tournament sa RTU gymnasium sa Mandaluyong kahapon.

Humugot ang rookie-laden Lady Patriots ng malaking laro mula kay Mariel Desengano sa hu­ling tatlong sets upang silatin ang Trinity University of Asia Lady spikers, 12-25, 25-21, 25-15, 25-18.

Ang panalo ng Lady Patriots ang naghatid sa kanila para upuan ang isang  silya sa semifinals.

Nanaig naman ang  RTU Lady Thunder sa Philippine School of Business Administration Lady Jaguars, 25-16, 25-18, 28-26, sa ligang may suporta ng Mikasa at  Molten Balls.

Show comments