MANILA, Philippines - Handa na si Mikee CoÂ-juangco-Jaworski para sa isang ‘lifelong commitment’ bilang miyembro ng International Olympic Committee.
“I have been blessed with another adventure to undertake,†wika ng equestrienne at individual gold medalist sa 2002 Asian Games sa Busan, South Korea.
Tumanggap si Jaworski ng 79 mula sa kabuuang 97 boto sa 125th IOC Session sa Buenos Aires.
Walo pa ang nailuklok bilang mga bagong miÂyembro ng IOC.
Si Jaworski ang pinaÂkabagong kinatawan ng IOC sa Pilipinas kapalit ng retirado nang si Frank Elizalde, nailuklok noong 1985.
Sa edad na 39-anyos, si Jaworski ang pinakabaÂtang IOC member, ngunit may sapat siyang talino para sa naturang posisyon.
Ang isang IOC member ay inihahalal para sa isang eight-year term at maaari muling maiboto hanggang sumapit sa retirement age na 70.
Mula sa 204 bansa sa ilalim ng Olympic movement, mayroon lamang 112 IOC members, kabilang dito ang mga miyembro ng Royalty.
Hindi sila ang kinataÂwan ng kani-kanilang mga bansa sa IOC ngunit kinatawan ng Olympic body sa kanilang mga bansa.
Si Jaworski ay anak ni Philippine Olympic Committee president Jose Cojuangco na namumuno rin sa Philippine Equestrian Federation.
Siya ay pinsan ni President Benigno “Noynoy†Aquino III at pamangkin ni dating Pangulong Cory Aquino.
“Thank you for all your congratulatory messages,†wika ng ina ng tatlong anak at asawa ni Robert JaworsÂki Jr., anak ni legendary Filipino basketball player at dating Senator Robert Jaworski Sr.
Si Jaworsk ang ikatlong IOC representative sa Pilipinas matapos sina Jorge B. Vargas at Elizalde.
“Although far away, our prayers are with those at home facing adversity. We are looking forward to coÂming home very soon. God bless the Philippines,†ani Jaworski sa kanyang Twitter account.
Si Cojuangco ay hindi nakapunta sa Buenos Aires dahil siya ay nasa United States.