^

PSN Palaro

Cagayan belles ‘di isusuko ang imakuladang kartada vs Army

ATan - Pilipino Star Ngayon

STANDINGS W   L

xCagayan      5    0

Army               3    0

Smart             3    2

Meralco          3    2

Air Force        2    2

Navy               0    3

PNP                0    3

FEU                0    4

 

Laro Bukas

(The Arena, San Juan City)

2 p.m. Navy vs FEU

4 p.m. Army vs Cagayan

 

 

MANILA, Philippines - Mga koponang nasa itaas at ibaba ang magpapasikat sa idaraos na Shakey’s V-League Season 10 Open Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Mag-aagawan sa unang panalo ang Philippine Navy at FEU sa kanilang tagisan sa ganap na alas-2 ng hapon habang maipagpatuloy ang kani-kanilang winning streak ang naka­umang sa Cagayan Pro­vince at Philippine Army dakong alas-4 ng hapon.

Pasok na ang Lady Ri­sing Suns sa quarterfinals sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s pero kaila­ngan pa rin nilang manalo dahil carry-over ang format ng ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa.

Tiyak na maaksyon ang bakbakan dahil ang Cagayan ay kilala sa lakas sa pag-atake habang ang Army ay kinatatakutan dahil sa bangis ng kanilang floor defense.

Aasa si Cagayan mentor Nestor Pamilar sa hu­say nina Thai import Kannika Thipachot, Angeli Tabaquero at Aiza Maizo na una, pangatlo at pang-anim sa scoring sa liga sa naitalang 79, 73 at 58 puntos.

Sa kabilang banda, si Jovelyn Gonzaga ang mamumuno sa Army matapos itong gumawa ng  47 puntos sa tatlong laro at may 50 percent success sa spiking.

Ang tutulong kay Gonzaga ay sina MJ Balse, Michelle Carolino, Nene Bautista at Joanne Bunag para mapalawig din ang kawalan ng set loss ng Army sa liga.

Sina Michelle Laborte, Cecille Cruzada, Ma. Abigail Praca ang huhugutan ng lakas ng Navy.

ABIGAIL PRACA

AIR FORCE

AIZA MAIZO

ANGELI TABAQUERO

CAGAYAN PRO

CECILLE CRUZADA

JOANNE BUNAG

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with