Pacquiao-Marquez 5 posibleng matuloy - Valcarcel
MANILA, Philippines - May posibilidad pa ring magharap sina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa pang-limang pagÂkakataon sa 2014.
Ito, ayon kay World Boxing Organization president Francisco ‘Paco’ Valcarcel, ay kung parehong mananalo sa kani-kanilang mga laban sina Pacquiao 54-5-2 ( 38 KOs) at Marquez (54-6-1, 40 KOs) ngayong taon.
“If Marquez and Pacquiao both win, the World Boxing Organization regulations would view the Filipino as (the mandatory) challenger to Juan Manuel,†ani Valcarcel sa panayam ng BoxingScene.com.
Nakatakdang labanan ni Pacquiao si Brandon ‘Bam Bam’ Rios sa Nobyembre 23 sa The Venetian sa Macau, China.
Hahamunin naman ni Marquez si WBO welterweight titlist Timothy Bradley, Jr. sa Oktubre 12 sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.
Ang nasabing WBO belt na hawak ni Bradley ay mula kay Pacquiao na kanyang tinalo via split decision noong Hunyo 9, 2012 bago napatumba ni Marquez sa sixth round noong Disyembre 8.
Sinabi ni Valcarcel na maglalaban sina Pacquiao at Rios para sa WBO International welterweight title.
“Pacquiao goes against Rios for the WBO International title, while Marquez will attempt to capture the world welterweight championship of the WBO from Bradley,†wika ni Valcarcel. “If both win the bout between them would be ready, but of course, the fighters have the last word.â€
Matatandaang matapos patumbahin si Pacquiao ay sinabi ng 40-anyos na si Marquez na ayaw na niyang labanan ang 34-anyos na Filipino world eight-division champion sa pang limang pagkakataon.
Sa kanyang pagtangging muling sagupain ang Sarangani Congressman ay pinili ni Marquez na hamunin ang 30-anyos na si Bradley para sa inaasam niyang pang limang world boxing crown.
- Latest