18-golds nakataya sa athletics ngayon
TAGUM City, Philippines--Labing-walong gintong medalya sa athletics ang magpapasigla sa pagbubukas ngayon ng mga laro sa 2013 Batang Pinoy MinÂdanao leg sa Davao del Norte Sports Complex.
Pormal na binuksan ang kompetisyon kahapon at natuwa ang pamahalaang lokal sa dami ng mga kalahok na magnanais na mapanalunan ang mga events na sasalihan para umabante sa National Finals sa Nobyembre sa Zamboanga City.
Umabot na sa 1,700 ang batang nagpatala na sasali sa 22 sports disciplines na paglalabanan at hindi malayong pumalo ito sa 2000 ang bilang dahil patuloy pa ang pagtanggap ng manlaÂlaro kahapon.
Hinamon naman ni PSC chairman Ricardo GarÂcia ang mga kasali na gawin ang lahat ng kanilang makakaya para manalo at mabigyan ng pagkakataon ang sarili na makuha sa Pambansang koponan.
Ang unang gintong pag-aagawan ay ang boys’ 5000-meter run bago sundan ng tagisan sa girls’ long jump, boys’ shot put at high jump at girls 2000-m walk.
Magsisimula rin ang elimination sa arnis, beach volleyball, boxing, dancesport, futsal, judo, karatedo, lawn tennis, pencak silat, sepak takraw, soft tennis, table tennis, taekwondo, volleyball, weightlifting at wrestling.
- Latest