Perlas kampeon sa Robredo Memorial Cup
MANILA, Philippines - Nakitaan ng mas maÂganÂdang team work ang women’s basketball team para talunin ang Australia, 77-69, at kumpletuhin ang 4-0 sweep sa 2nd Discovery Women’s Basketball Invitational na natapos noong Linggo sa Jesse Robredo Coliseum sa Naga City.
Hindi inalintana ng NaÂtioÂnals ang taglay na height advantage ng koponan mula Gold Coast at sinandalan ang matinding depensa lalo na sa third period para maiwanan ito at maduplika ang 56-47 panalo na nakuha sa unang ikutan.
Ang Singapore ang kumumpleto sa tatlong bansang torneo na tinagurian din bilang Jesse Robredo Memorial Cup at ang mga kaÂlahok ay sumabak sa double round robin at ang naÂngunang bansa ang siyang kinilalang kampeon.
Walang problema ang tropa ni coach Haydee Ong sa Singaporeans dahil dinurog nila ito sa 74-52 at 91-21 iskor.
Ang mga beteranong sina Chovi Borja, Joan Grajales at Fil-Am Melisssa Jacob ay nagtala ng 15, 14 at 10 puntos habang ang rookie na si Cindy Resultay ay naghatid pa ng 13.
Sa ikatlong yugto nagtrabaho nang husto ang local team at nilimitahan nila sa 10 puntos ang Aussie team upang ang anim na puntos kalamangan sa halftime ay lumobo sa 12, 53-41, papasok sa huling yugto.
Ito ang ikalawang sunod na taon na ang women’s team ang hinirang na kampeon sa torneo at magandang tune-up ito bago sila sumabak sa FIBA Asia WoÂmen’s Basketball sa Bangkok, Thailand mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 3.
Mahalaga ang resulta ng FIBA Asia sa Pambansang koponan sa pagnanais na masama sa Pambansang delegasyon patungong Myanmar SEA Games mula Disyembre 11-22.
Ang maybahay ng daÂting DILG secretary na ngaÂyon ay Camarines Sur 3rd District Congresswoman Leni Robredo ang siyang dumalo sa awarding ceÂreÂmony na kinatampukan din ng paglapag ng Australia sa ikalawang puwesto sa 2-2 baraha habang ang Singapore ang nalagay sa ikatlo sa 0-4 karta.
- Latest