^

PSN Palaro

Ikatlong sunod na panalo target ng Judiciary laban sa PhilHealth

Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

(Ynares Sports Center, Pasig City)

2:30 p.m. MMDA vs DOJ

4:00 p.m. PhilHealth vs Judiciary

5:30 p.m. AFP vs Congress-LGU

 

MANILA, Philippines - Nanggaling sa isang ma­laking panalo, pupuntir­ya­hin ng Judiciary ang ka­­nilang ikatlong sunod na panalo sa pagharap sa Phil­Health bukas sa pagpapatuloy ng 1st UNTV Cup sa Yna­res Sports Center sa Pa­sig City.

Magtatagpo ang Judi­ciary at ang Philhealth sa alas-4 ng hapon ma­ta­pos ang salpukan ng De­­partment of Justice at Me­tro Manila Development Authority sa alas-2:30.

Sa huling laro sa alas-5:30 ay magtatapat naman ang Armed Forces of the Philippines at ang Congress-LGU.

Ang banggaan ng Ju­di­ciary at PhilHealth ay isa­saere ng live sa UNTV Chan­nel 37.

Nagmula ang Judiciary sa 100-97 panalo kontra sa AFP noong Linggo para ma­kasalo sa ikalawang pu­westo ang PhilHealth, na­katikim ng 73-100 kabigu­an sa Philippine National Po­lice.

Muling babanderahan nina ex-pro Don Camaso at model John Hall, umiskor ng pinagsamang 47 points isa kanilang huling pa­nalo, ang Judiciary para sa hangad na automatic Fi­nal Four seat na ibibigay sa top two teams matapos ang single round elimination.

 

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

DON CAMASO

JOHN HALL

LARO BUKAS

MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PASIG CITY

PHILIPPINE NATIONAL PO

SHY

SPORTS CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with