Singletary, Monfort humataw sa panalo Bolts kinapos sa Energy
MANILA, Philippines - Parehong game plan at pareho ring mintis.
Pumalya ang dalawang magkasunod na drive ni balik-import Mario West sa dulo ng final canto mula sa dinisenyong estratehiya ni Meralco coach Ryan GreÂgorio na nagresulta sa 90-89 pagtakas ng Barako Bull sa elimination round ng 2013 PBA Governor’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Umiskor si import Michael Singletary ng team-high 28 points, habang nagdagdag si 5-foot-6 guard Eman Monfort ng 22 para sa 1-1 baraha ng Energy, nagmula sa 113-118 overtime loss sa Talk ‘N Text Tropang Texters noong Biyernes.
“We won the game. Great, great win for us,†samÂbit ni Serbian mentor Rajko Toroman. “We had a great preseason and this win will give us special strength, special energy.â€
Tumalbog ang isang three-point shot ni Monfort, nagsalpak ng tatlong tres sa third quarter, sa huling 16.9 segundo sa final canto kasunod ang timeout ni Gregorio para sa drive ni West.
Lumuwa ang salaksak ni West na nagresulta sa dalawang mintis na free throw ni Dorian Peña sa nalalabing 8.7 segundo na nagbigay-daan sa timeout ni Gregorio para sa huling play kay West.
Muling nagmintis si West sa kanyang drive sa ikalawang sunod na pagkakataon laban kay rookie Keith Jensen na tuluyan nang sumelyo sa panalo ng Energy.
Bago ito, nagposte ang Bolts ng isang 12-point advantage, 49-37, sa huling 58 segundo sa second quarter bago ang 27-9 atake nina Singletary at Monfort para agawin ang unahan sa 64-58 sa 3:38 ng third quarter.
Naglista si West ng 33 points para sa Meralco kasunod ang 16 ni Reynel Hugnatan at 12 ni Sunday Salvacion.
Barako Bull 90 - Singletary 28, Monfort 22, Seigle 12, Buenafe 7, Jensen 6, Pennisi 5, Intal 4, Marcelo 2, Macapagal 2, Cruz 2, Weinstein 0, Yap 0, Pena 0.
Meralco 89 - West 33, Hugnatan 16, Salvacion 12, Wilson 9, Hodge 4, Guevarra 4, Ross 4, Allado 4, Vanlandingham 3, Mangahas 0.
Quarterscores: 22-21; 41-49; 66-67; 90-89.
- Latest