^

PSN Palaro

Slot sa Myanmar SEAG nakataya sa Perlas sa Naga

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Puwesto sa Pamban­sang delegasyon patu­ngong Myanmar SEA Games ang isa sa mabigat na motibasyon ng women’s National basketball team sa kanilang pagsalang sa 2nd Discovery Women’s Basketball Invitational-Jesse M. Robredo Memorial Cup sa Naga City.

Pitong manlalaro na beterano ng 2011 Indonesia SEA Games ang ma­ngunguna sa koponang hahawakan ni coach Haydee Ong at makikipagsukatan ng husay sa mga bisitang Australia Gold Coast at Si­ngapore sa kompetisyong itinakda mula Agosto 22 hanggang 25.

Nakabitin pa ang pag­sama ng women’s team sa Myanmar Games sa Dis­yembre dahil kailangan pa nilang patunayan na kaya nilang manalo ng ginto.

Nakasungkit ng pilak ang koponan sa Indonesia SEAG  matapos matalo sa Thailand sa overtime.

Bukod sa SEA Games ay sasali rin ang koponan sa FIBA Asia Women’s Championship mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 3 sa Bangkok, Thailand.

Ang Fil-American na si Melisssa Jacob ang babandera sa mga beterano ng Indonesia SEAG na ka­tatampukan din nina Joan Grajales, Chovi Borja, Merenciana Arayi, Karen Lomogda, Maria Lalaine Flormata at Analyn Almazan.

Ang Pambansang ko­ponan ang siyang nagdedepensang kampeon matapos dominahin ang isinagawang tagisan noong nakaraang taon sa Baco­lod City na sinalihan ng Thailand, Qatar at Fujian, China.

ANALYN ALMAZAN

ANG FIL-AMERICAN

ANG PAMBANSANG

ASIA WOMEN

AUSTRALIA GOLD COAST

BASKETBALL INVITATIONAL-JESSE M

CHOVI BORJA

DISCOVERY WOMEN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
23 hours ago
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with