^

PSN Palaro

Heavy Bombers asam ang panalo vs Pirates Altas tatagpasin ang streak ng Knights

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan)

4 p.m. Perpetual vs Letran

6 p.m. Jose Rizal

vs Lyceum

 

MANILA, Philippines - Pupuntiryahin ng Knights ang kanilang pang walong sunod na ratsada, habang hangad ng Heavy Bombers ang ikalawang dikit na panalo.

Haharapin ng Letran College ang Perpetual Help ngayong alas-4 ng hapon kasunod ang salpukan ng Jose Rizal University at Lyceum sa alas-6 ng gabi sa elimination round ng 89th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan.

Huling biniktima ng Knights ay ang Mapua Car­dinals, 87-68, noong Hulyo 29 kung saan na     g­­poste si 5-foot-6 point guard Mark Cruz ng 22 points, 10 rebounds, 5 assists at 4 steals.

Tangan ng Letran ang liderato mula sa malinis nilang 7-0 baraha kasunod ang three-time champions San Beda (7-1), Perpetual (5-2), Jose Rizal (4-3), San Sebastian (4-4), St. Benilde (2-5), Arellano (2-5), Emilio Aguinaldo College (2-5), Lyceum (2-5) at Mapua (1-6).

Nakalasap naman ang Altas ng 65-72 kabiguan sa Red Lions sa kanilang huling asignatura noong Hulyo 27.

Sa ikalawang laro, tatargetin ng Heavy Bombers ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa pagharap sa Pirates.

Umiskor  ang Jose Ri­zal ng isang 67-63 panalo laban sa San Sebastian noong Hulyo 27, samantalang nakatikim naman ang Lyceum ng 76-83 pagkatalo sa EAC noong Hulyo 29.

 

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

HEAVY BOMBERS

HULYO

JOSE RI

JOSE RIZAL

JOSE RIZAL UNIVERSITY

LARO NGAYON

SAN JUAN

SAN SEBASTIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with