^

PSN Palaro

Knicks interesado kay Hadadi

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaasa si Iran head coach Mehmed Becirovic na muling makakapaglaro si 7-foot-2 Hamed Hadadi sa darating na season ng National Basketball Association.

Ang New York Knicks ang isa sa mga koponang kumakausap ngayon kay Hamed sa kanyang pagbabalik sa NBA.

“Yes I think he will go to NBA because, of course, he is a good player, we know. And I hope he can have a contract with the New York Knicks,” sabi ni Becirovic kay Hamed.

Ang 28-anyos na si Hamed ay hindi nakuha ng anumang NBA team noong 2004 Draft ngunit nakatanggap ng alok mula sa isang koponan bago ang 2008 Olympic Games sa Beijing, China.

Noong Agosto 28, 2008 ay pumirma si Hadadi ng kontrata sa Grizzlies bilang isang free agent bago siya paglaruin ng Memphis sa kanilang NBA D-League team na Dakota Wizards.

Muling kinuha ng Grizz-lies si Hamed mula sa isang $1.3-million, one-year contract noong Disyembre 31, 2011.

Nasangkot si Hadadi sa isang three-team trade kasama si Rudy Gay kung saan napunta si Jose Calderon sa Detroit Pistons at nakuha ng Grizzlies sina Tayshuan Prince, Ed Davis at Austin Daye at isang second round pick.

Pinakawalan si Hamed, nagtala ng kanyang NBA career-high 13 points, 8 rebounds at 2 shotblocks, ng Suns noong Hulyo 29, 2013.

 

 

vuukle comment

ANG NEW YORK KNICKS

AUSTIN DAYE

DAKOTA WIZARDS

DETROIT PISTONS

ED DAVIS

HADADI

HAMED HADADI

JOSE CALDERON

MEHMED BECIROVIC

NATIONAL BASKETBALL ASSOCIATION

NEW YORK KNICKS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with