^

PSN Palaro

Meralco ibabandera ang Ex-NBA import

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang dating player ng Cleveland Cavaliers sa NBA ang hinugot ng Me-ralco bilang import para sa 2013 PBA Governors’ Cup na magbubukas sa Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.

Si David J. ‘DJ’ Kennedy ay naglaro para sa Cavaliers noong 2011-2012 NBA season matapos banderahan ang Erie Bayhawks sa NBA Deve­lopmental League noong 2011.

Sa kanyang NBA debut sa Cavaliers noong Abril 25, 2012 ay umiskor ang 6-foot-5 na si Kennedy ng 12 points.

Noong Hulyo 25 ng nasabi ring taon ay dinala ng Cleveland si Kennedy sa Memphis Grizzlies na dalawang beses siyang pinakawalan.

Matapos ito ay nagbalik ang 23-anyos na si Kennedy, naglaro sa two-time champions Miami Heat sa 2013 NBA Summer Lea­gue, sa Bayhawks sa NBA D-League nitong 2013.

Noong Marso 5 ay ibi­nigay ng Bayhawks si Kennedy sa Rio Grande Valley Vipers na kanyang iginiya sa korona ng NBA D-League.

Bukod kay Kennedy, ang iba pang makikita sa 2013 PBA Governors Cup ay sina balik-imports na sina Arizona Reid ng nagtatanggol sa koronang Rain or Shine, Zach Graham ng Air21, Tony Mitchell ng Talk ‘N Text, Dior Lowhorn ng Barangay Ginebra, Markeith Cummings ng Globalport, Michael Singletary ng Barako Bull, Elijah Millsap ng Petron at Wendell McKiness ng Alaska.

ARIZONA REID

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BAYHAWKS

CLEVELAND CAVALIERS

D-LEAGUE

DIOR LOWHORN

ELIJAH MILLSAP

ERIE BAYHAWKS

GOVERNORS CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with