2-dikit na panalo nakataya sa banggaan ng 4-teams sa 1st UNTV Cup
Laro Ngayon
(Ynares Sports Arena, Pasig City)
2:30 p.m. Congress-LGU vs PhilHealth
4:00 p.m. DOJ vs Judiciary
5:30 p.m. AFP vs PNP
MANILA, Philippines - Rambulan sa ikalaÂwang sunod na panalo ang magaganap sa apat na nangungunang kopoÂnan sa pagpapatuloy ng 1st UNTV Cup ngayong hapon sa Ynares Sports AreÂna sa Pasig City.
Ang Congress-LGU ay makikipagsukatan sa PhilHealth sa ganap na alas-2:30 habang ang AFP at PNP ay magpapang-abot sa ikatlo at huling laro dakong alas-5:30 ng hapon.
Papagitna sa dalawang eksplosibong tagisan ay ang labanan ng DOJ at Judiciary dakong alas-4 at ang mananalo ay makakatikim ng unang tagumpay sa ligang inorganisa ng Breakthrough and MilesÂtones Production International (BMPI) sa pamumuno ni Chairman at CEO Daniel Razon.
Galing ang Congress-LGU mula sa pahirapang 99-95 panalo sa Judiciary habang ang PhilHealth ay umani ng 138-43 pagdurog sa Department of Justice.
Binuksan naman ng PNP ang kampanya sa pamamagitan ng 117-69 pananaig sa Metro Manila Development Authority habang ang AFP ay nangiÂbabaw sa DOJ, 117-71, na nangyari noong Agosto 3.
- Latest