Team Manila yumuko sa Delaware District 3, namimiligrong mahubaran ng titulo sa Big League
MANILA, Philippines - Natalo uli ang nagdedepensang world champion sa Big League Manila South sa kamay ng host Delaware District 3, 0-1, upang malagay ang isang paa sa hukay kung ang paghahabol para mapaÂnatili ang titulo sa ligang pinaglalabanan sa Layton Field sa Delaware ang pag-uusapan.
Sa second inning umiskor ang host team na binigyan ng mainit na suporta ng kanilang mga manonood.
Si Kaitlyn Slater ang siÂyang naghatid ng winning run matapos tumungtong sa first base at umabante sa second sa magkasunod na base-on-balls ni MaÂnila pitcher Agapi Llave. Umabante siya sa third at pumasok sa homeplate mula sa mainit na palo ni Rachel Hudson.
Naging problema naman ng mga batters ni coach Ana Santiago ang mahusay na pitcher ng DeÂlaware na si Mykala Steele na nagbigay lamang ng apat na hits bukod pa sa anim na strikeouts at isang walk sa walang palitang pagpukol.
Lamang pa ng isang hit ang Manila sa kalaban, 4-3, pero gumawa sila ng dalawang errors laban sa zero ng host team.
Ito ang ikalawang sunod na pagkatalo ng Manila matapos ang 5-10 pagyuko sa Pennsylvania District 32 para malagay sa ikaapat na puwesto sa limang koponan sa Pool B sa 1-2 baraha.
Umangat sa 3-0 ang host bago sumunod ang Indiana sa 2-1 at Pennsylvania sa 2-2.
Huling laro ng kopoÂnang kumatawan sa Asia-Pacific ang Indiana at kailangan nilang talunin ito at umasang magkakaroon ng pinakamataas na quotient sa mga makakatabla sa 2-2 na Indiana at Pennsylvania para umabante sa semifinals.
Natapos naman ang kampanya ng Laguna sa Senior League matapos laÂsapin ang ikatlong sunod na pagkatalo sa Laurel ng host District 3, 1-9.
Tatapusin ng LaguÂna ang kampanya sa pagÂharap sa Milford, Delaware sa Pool A.
- Latest