^

PSN Palaro

TV5 nakakuha ng 35.3% rating sa pag-eere ng laban ng Gilas Pilipinas at Hong Kong

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang pagpapalabas ng TV5 ng mga laro sa 2013 FIBA Asia Championship ang magpapatunay sa ka­nilang masidhing hangarin na patuloy na pasayahin ang mga Pinoy na mahihilig sa larong basketball.

Ginamitan pa ng TV5 ng mga high definition ca­meras at equipment para matulad ang kanilang pag­sasa-ere ng mga laro sa mga naipapalabas ng mga international sports broadcast.

Dahil sa ganda ng co­verage, ang viewership ng bawat laro sa FIBA Asia ay tumataas nang tumataas at ang laro ng Gilas Pilipinas at Hong Kong ay umani ng 4.6 milyon manood o 35.3% audience share base sa ulat ng Nielsen Media Research NUTAM noong Agosto 7.

“We, at Sports5, dedicate ourselves in brin­ging world class basketball co­verage to Philippine free TV and to the international audience watching the FIBA broadcast in various platforms. TV5 has certainly enhanced the viewing experience of Filipinos and we will continue giving world-class coverage,” wika ni Vitto Lazatin, Sports5 Sports Manager.

Magpapatuloy ang co­verage ng network sa mga laro ngayon sa paglarga ng quarterfinals sa torneong magdedetermina ng tatlong bansa na aabante sa FIBA World Cup sa Madrid, Spain sa susunod na taon.

Bukod sa TV5, ang mga laro ay mapapanood sa AksyonTV, HYPER at Basketball TV na siyang host broadcaster ng FIBA Asia 2013. Ipinalalabas din ang mga laro sa mga Cignal subscribers (channel 199).

 

ASIA CHAMPIONSHIP

GILAS PILIPINAS

HONG KONG

LARO

NIELSEN MEDIA RESEARCH

SHY

SPORTS MANAGER

VITTO LAZATIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
12 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with