^

PSN Palaro

UAAP pinatunayan ang paglabag ng UP

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling nilinaw ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) board ang ginawang paglabag ng  University of the Philippines Integrated School (UPIS) kaugnay sa kaso ni Joshua General.

Sa ilalim ng “Other Requirements” ng Player’s Eligibi-lity rule sa Rules and Regulations ng UAAP sa kanilang Articles of Incorporation and By Laws sinasabing “A (High School) athlete shall have a maximum of four playing years within five (High School) years reckoned from the academic year of elementary graduation.”

Nagtapos si General ng elementarya sa edad na 11-anyos sa Naga Parochial School sa Camarines Sur noong 2008.

Naglaro siya sa San Beda-Taytay sa kanyang freshman year bilang isang high schooler ngunit huminto noong Oktubre ng 2008-2009 school year.

Nag-enrol si General sa Lourdes School sa Mandaluyong hindi bilang isang high school freshman kundi bilang isang Grade Seven student at muling nagtapos ng elementarya noong 2010.

Nag-aral siya sa UPIS ng high school noong 2010-2011 school year.

Sinisimulang bilangin ng UAAP, ayon kay Season 76 secretary-treasurer Ma. Luisa Isip ng Adamson University, ang eligibility ng isang player mula sa kanyang graduation bilang elementary student.

Si General ay nagtapos ng elementarya noong 2008 sa Naga Parochial School.

Dahil dito, idineklara ng UAAP board na isang ineligible palyer si General.

Binawi ng UAAP ang nag-iisang panalo ng UPIS dahil sa pagiging ineligible ni General.

Sa likod ni General, tinalo ng UPIS ang Adamson, 89-87, sa apat na overtime.

May 0-7 baraha ang Junior Maroons sa first round matapos ang 63-68 kabiguan sa La Salle-Zobel.

 

ADAMSON UNIVERSITY

ARTICLES OF INCORPORATION AND BY LAWS

CAMARINES SUR

GENERAL

GRADE SEVEN

HIGH SCHOOL

JOSHUA GENERAL

JUNIOR MAROONS

LA SALLE-ZOBEL

NAGA PAROCHIAL SCHOOL

SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with