^

PSN Palaro

‘Di kinaya!: Iran binugbog ang China

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang inakalang mahigpitang laro sa pagitan ng dalawang tinitingala sa basketball teams sa rehiyon ay hindi nangyari dahil sa madaling 70-51 tinalo ng Iran ang nagdedepensang kampeon na China sa pagpapatuloy kagabi ng 27th FIBA Asia Men’s Champion sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kinapitalisa ng Ira­nians ang pagliit ng Chinese team dahil sa patuloy na ‘di paglalaro ni Yi Jianlian upang kontrolin nila ang inside game tungo sa 3-0 pagwalis sa Group C.

Ang 7’2  center  Hamed Hadadi ay gumawa ng 15 puntos habang sina Oshin Sahakian, Hamed Afagh at Samad Bahrami ay nag­tambal sa 35 puntos para sa Iranians na kumulekta rin ng 30 inside points laban sa 18 lamang ng China.

“It looked easy but it’s not on the court. We committed mistakes but I’m happy because we won the game,” wika ni Mehmed Becirovic na coach ng Iran.

Si Yi ay hindi naka­paglaro sa ikalawang su­nod na labanan dahil ipinahihinga ang kanyang hamstring at groin injury at ramdam ang kanyang pagkawala nang magkaroon lamang ng pitong offensive rebounds ang kanyang koponan tungo sa mahinang apat na second chance points.

Tumapos ang China taglay ang isang panalo at dalawang talo pero aabante pa rin sa second round dahil ang Malaysia na siyang pang-apat na koponan sa grupo ay hindi nanalo ng isang laro.

 â€œYi had a little problem before coming here and we want him in the knockout game. I think we also had bad moments tonight, we lost the rebound, we gave up lots of free throws and its difficult to play basketball with this difficulties,” pahayag ni Chinese coach Panagiotis Giannakis.

Hindi nakalamang sa kabuuan ng laban ang nagdedepensang kampeon matapos buksan ng Iranians ang laro sa 9-2 run.

Lalo pang nabaon ang China sa ikalawang yugto matapos magkaroon lamang ng walong puntos habang hindi napigil sina Oshin at Bahrami tungo sa 41-24 bentahe

Huling dikit ng China ay sa 43-54 sa buslo ni Wang Zhizhi  bago gumanti ang Middle East team  na kampeon ng FIBA Asia noong 2007 at 2009 edisyon ng 9-0 atake para iakyat sa 20 ang kalamangan, 63-43.

Dahil walang mapasahan sa ilalim, ang China ay nagkaroon din lamang ng siyam na assists, apat lamang sa first half, kumpara sa 16 ng Iran na pinamunuan ni Bahrami sa kanyang walong magagandang pasa.

 

 

ASIA MEN

BAHRAMI

GROUP C

HAMED AFAGH

HAMED HADADI

MALL OF ASIA ARENA

MEHMED BECIROVIC

MIDDLE EAST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
14 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with