8 import pasado lahat sa PBA Governor’s Cup
MANILA, Philippines - Pasado sa height limit para sa 2013 PBA GoverÂnors’ Cup ang walong imports.
Nangunguna sa mga ito ay ang mga balik-imports na sina Arizona Reid ng nagtatanggol sa koronang Rain or Shine, Zach Graham ng Air21 at Tony Mitchell ng Talk ‘N Text.
Si Mitchell, naglaro sa Tropang Texters sa nakaraang 2013 PBA CommissioÂner’s Cup na pinaghaÂrian ng Alaska Aces, ang pinaÂkaÂmatangkad na reinforcement sa kanyang taas na 6-foot-4 15/16.
Ang ipinatutupad na height limit para sa season-ending conference ay 6’5.
Si Mitchell ay hindi sinukatan sa nakaraang Commissioner’s Cup dahil ang mga imports na naglaro ay walang height limit.
Nasukatan naman si Reid na 6’3, habang si GraÂham ay 6’4.
Ang iba pang reinforcements ng kani-kanilang mga koponan na nasukaÂtan ay sina Dior Lowhorn (6’4 3/4) ng Ginebra, Markeith Cummings (6’4 3/4) ng Globalport, Michael Singletary (6’4 1/4) ng Barako Bull, Elijah Millsap (6’4 3/4) ng Petron at Wendell McKiness (6’4 1/4) ng Alaska.
Tanging ang Meralco ang wala pang nakukuhang import para sa 2013 PBA Governors Cup na magsisimula sa Agosto 14.
- Latest