^

PSN Palaro

5th Bagatsing Memorial Cup racing kasado na

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinantabi ang alitan sa hanay ng mga horse ow­ners at Philippine Racing Commission upang ma­ayos na maisagawa ang 5th Mayor Ramon Bagat­sing Memorial Cup sa Agosto 18 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Matatandaan na nagkaroon ng problema ang magkabilang panig at nais nilang paalisin ang naka­upong chairman na si Angel Castano Jr. dahil umano sa korupsyon.

“Sponsor namin ang Philracom at dapat na magtulungan muna kami. Ang problemang iyan ay saka na natin pag-usapan,” wika ni Atty. Ramon Bagatsing nang humarap sa PSA Fo­rum kasama ang mga marketing officers ng Manila Jockey Club Inc. na sina Nathan Maso at Cecil Villanueva.

Ang Bagatsing Cup ay para gunitain ang ika-97th kaarawan ng dating Manila Mayor na kilala rin sa pagmamahal sa horse racing.

Tulad sa mga nagdaang edisyon, magkakaroon ng dalawang dibisyon ang karera at ang Division I ay para sa mga kaba­yong edad apat na taon pataas na maglalaban sa 1,700-metro distansya at sinahugan ng P700,000.00 gantimpala habang para sa mga imported horses ang Division II na gagawin sa 1,400-metro at may P400,000.00 premyo.

Pasisiglahin pa ang pis­ta sa paglarga ng PCSO Grand Derby para sa mga kabayong sumali sa Sweepstakes races habang ang Philracom ay magdaraos din ng hiwalay na karera tulad ng ibang sponsors na Resorts World Manila, Solaire Resort and Casino at Tiger Resort.

 

vuukle comment

ANG BAGATSING CUP

ANGEL CASTANO JR.

CECIL VILLANUEVA

DIVISION I

GRAND DERBY

MANILA JOCKEY CLUB INC

MANILA MAYOR

MAYOR RAMON BAGAT

MEMORIAL CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with