Kaya pang makipagsabayan sa mas batang koponan: Lady Troopers may pinatunayan sa PSL
MANILA, Philippines - Malaki ang potensyal ng Philippine Super Liga na maging tampok na liga sa volleyball sa bansa.
Ang ilang libong tao na sumuporta at nanood sa pagtatapos ng torneo noong Linggo sa Mall of Asia sa Pasay City ang siyang nakikita bilang ehemplo sa malaking potensyal ng liga na tatauhin.
“Hindi naman ito maikuÂkumpara sa dami ng mga nanonood sa collegiate leagues na UAAP at NCAA but this league is headed in that direction dahil sa pagtaas ng bilang ng mga manonood,†wika ni Vilet Ponce de Leon na coach ng Petron Blaze.
Hinirang bilang kauna-unaÂhang kampeon ng ligang inorganisa ng Sportscore katuwang ang Solar Sports, Mikasa at Asics ang TMS-Philippine Army sa pamamagitan ng 25-15, 25-18, 14-25, 25-16, laban sa Cignal.
Sina Mary Jean Balse, Cristina Salak at Jacqueline Alarca ang mga nanguna sa mga beterano na nakiÂpagtulungan sa mga batang tulad ni Jovelyn Gonzaga upang manalo ang Lady Troopers sa mas batang katunggali sa loob lamang ng isang oras at 28 minuto.
“Kini-criticize kami na oldest team kami. Kaya parang mga bata uli kami sa panalong ito,†wika ni Salak na hinirang bilang Best Blocker ng liga.
Sa bandang Setyembre magbabalik ang aksyon sa PSL at inaasahang lalawig ang bilang ng koponan para pangatawanan ang taguri bilang mainit na liga sa volleyball.
Tumulong din para sa ikatatagumpay ng PSL ang PSC, The San Juan Arena, Heathway Medical, LGR outfitter, Lenovo, Vibram Five Fingers at Pagcor.
- Latest