Julaton lalabanan si Salazar sa Agosto 17
MANILA, Philippines - Posibleng makalaban ni three-time Filipina-American world champion Ana ‘The Hurricane’ Julaton si American Celina Salazar ng San Antonio, Texas sa kanyang pagÂbaÂbalik sa boxing ring sa Agosto 17 sa Cancun, Mexico.
Ang laban nina Julaton at Salazar ay kasama sa unÂÂdercard ng banggaan nina Takashi Miura at Sergio Thompson para sa WBC Super featherweight title.
Sakaling manalo kay Salazar, posibleng labanan ni JuÂlaton si IBF female bantamweight champion Yasmin RiÂvas ng Mexico sa Setyembre 14 bilang undercard ng upaÂkan nina Mayweather Jr. at Canelo Alvarez sa Las Vegas, Nevada.
Si Julaton ay minsan nang nakasabayan ni Manny PacÂquiao sa pag-eensayo sa Wild Card Boxing Gym ni trainer Freddie Roach.
Ang salpukan nina Julaton at Salazar ay isasaere ng Mexican television network na Televisa at sa US sa pamamagitan ng Fox Deportes bukod pa sa isang paÂngunahing US Sports channel.
Ang 33-anyos na si Julaton ay kasalukuyang nagdaÂdala ng 12-3-1 win-loss-draw record kasama ang 2 knockouts.
Bitbit naman ng 24-anyos na si Salazar ang 4 -1- 2 (1 KO) card.
- Latest























