^

PSN Palaro

Nasasabik nang isuot ang Brooklyn jersey: KG, Paul handa ng kalimutan ang Celtics

Pilipino Star Ngayon

NEW YORK--Naka­tu­lala si Paul Pierce na minsan ay ngumingiti at tumatawa na siyang bumabasag sa kanyang blangkong mukha.

Isa nang Nets, malinaw na kasalukuyan pa niyang kinakalimutan ang pagiging isang dating Celtics.

“It’s tough when you’ve been in a situation like me for 15 years,”  sabi ni Pierce.

Ngunit nasasanay na siya kagaya ni Kevin Garnett.

Hinugot ng Brooklyn mula sa Boston, ipinakilala sina Pierce at Garnett kasama si Jason Terry noong Huwebes sa isang news conference sa Barclays Center, ang kanilang bagong tahanan.

Sinabi ni Pierce na mahirap iwanan ang lungsod kung saan niya ibinuhos ang kanyang basketball career.

“You saw the trade and it’s like, ‘OK, there’s a trade.’ But for me to actually be here now, looking for a place to live, being in this arena, trying to get to know my way around the city, it’s really starting to sink in now that it’s become real,” ani Pierce.

“I’m no longer a Boston Celtics, I’m a Brooklyn Nets and that’s what it is right now,” dagdag pa nito.

Pumalakpak ang mga fans at nasasabik sa pagla­laro ni Pierce sa Brooklyn.

Sa Boston, si Pierce ang naging No. 2 career scorer ng Celtics at hinirang na NBA Finals MVP nang makuha nila ang NBA-high na 17 championships.

“Hell yeah, he’s been with Boston his whole life,” wika ni Garnet.. “You’ve been in a system, been in a city, especially it’s the Cel­tics. Yeah, it’s very difficult.”

BARCLAYS CENTER

BOSTON CELTICS

BROOKLYN NETS

CEL

JASON TERRY

KEVIN GARNETT

PAUL PIERCE

PIERCE

SA BOSTON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with