^

PSN Palaro

Army netters sa semis na

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinandera nina Jacquelin Alarca at Joanne Bunag ang TMS-Philippine Army sa 25-19, 25-15, 25-11, straight sets panalo sa PCSO Bingo Milyonaryo para selyuhan ang isang awtomatikong puwesto sa semifinals sa Philippine Super Liga Invitational kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nalimitahan lamang sa tig-limang puntos sina Nerissa Bautista at Michelle Carolino pero sinalo sila nina Alarca at Joanne Bunag upang isulong sa apat ang pagpapanalo ng Lady Troopers matapos unang matalo sa Cagayan Valley.

May 11 puntos si Alarca habang 9 kills tungo sa 10 puntos ang ginawa ni Bunag habang nangibabaw ang husay ni Cristina Salak sa set sa 30 excellent sets.

“Sa bawat laro ay talagang sinisikap namin na maipanalo ito dahil gusto naming magkaroon ng magandang resulta ang paglalaro sa liga,” wika ni coach Rico de Guzman.

Tinapos ng Puffins ang laro sa eliminasyon sa 1-4 karta at tinamo nila ang  ikalawang sunod na laro na kung saan wala uli silang manlalaro na nag-double digits sa puntos.

Kinuha naman ng Cignal ang ikalawang sunod na panalo para sa 3-2 karta nang bumangon ang koponan mula sa first set na pagkatalo at kumpletuhin ang 21-25, 25-21, 26-24, 25-22, panalo sa PLDT-MyDSL sa unang laro.

Hindi napigil si Honey Joy Tubino na tumapos taglay ang 23 puntos na nilakipan ng 21 kills habang sina Venus Bernal at Danika Gendrauli ay mayroong 14 at 13 puntos pa upang maging palaban din sa ikalawa at huling puwesto na aabante na agad sa Final Four.

vuukle comment

ALARCA

BINGO MILYONARYO

CAGAYAN VALLEY

CRISTINA SALAK

DANIKA GENDRAULI

FINAL FOUR

HONEY JOY TUBINO

JACQUELIN ALARCA

JOANNE BUNAG

LADY TROOPERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with