^

PSN Palaro

3 teams mag-uunahan sa ikalawang panalo: Rising Suns lalapit sa semis

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Paiigtingin pa ang kapit ng Cagayan Valley sa liderato habang tatlong iba pa na magkakasalo sa ikalawang puwesto  ang mag-uunahan sa ikalawang pa­nalo sa pagpapatuloy ng Philippine Super Liga ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Kalaban ng Lady Rising Suns ang PLDT-MyDSL sa ganap na alas-2 ng hapon at puntirya ng tropa ni coach Nestor Pamilar ang ikatlong sunod na panalo para lumapit sa puwesto pa­tungong semifinals.

Galing ang Cagayan Valley sa 16-25, 25-18, 20-25, 25-15, 15-13, panalo sa PSCO Bingo Milyonaryo noong Miyerkules para ma­dugtungan ang isa ring five setter panalo sa TMS-Philippine Army sa unang asignatura.

“Itong team na ito huling nabuo kaya wala kaming stars. Pero madali silang i-coach at alam nilang kaila­ngan magtulung-tulong at magtrabaho sila as a team,” wika ni Pamilar.

Hindi dapat magbago ang istilo ng paglalaro ng koponan dahil ang kalaban na PLDT-MyDSL ay galing sa 22-25, 19-25, 25-17, 19-25, pagkatalo sa Petron kamakalawa.

“Hindi kami nagkukum­piyansa. Kailangan lamang na nakatuon lagi ang focus sa laro,”ani ni Pamilar.

Si Joy Benito, na bida sa panalo sa huling laro, Sandra De Los Santos at Joy Cases ang mga aatake uli para patuloy ang matinding sikat ng Lady Rising Suns.

Ang TMS-Army at Petron ay mag-aagawan sa ikalawang dikit na panalo sa pangalawang laro dakong alas-4 habang ang Cignal at PCSO-Bingo Milyonaryo ang magtutuos sa ikatlong laro dakong alas-6.

Tiyak na magiging ma­higpitan ang labanan ng Lady Boosters at Lady Troo­pers matapos manggaling sa panalo sa huling laro.

Ang TMS-Army na na­­naig sa Cignal noong Mi­yerkules, 25-22, 25-15, 25-27, 25-18, ay sasandal sa kanilang mga beterano sa pangunguna nina Nerissas Bautista at Michelle Carolino.

Wala pang panalo ang Bingo Milyonaryo pero hindi puwedeng magkum­piyansa ang Cignal dahil napahirapan nila ang Ca­gayan Valley sa huling laro at kinapos lamang sa deciding set para malaglag sa huling puwesto sa liga.

Tumutulong ang Solar Sports, Asics at Mikasa para sa ikatatagumpay ng torneo na may ayuda pa ng PSC, San Juan Arena, Healthway Medical, LGR outfitter, Lenovo, Vibram Five Fingers at Pagcor.

BINGO MILYONARYO

CAGAYAN VALLEY

CIGNAL

HEALTHWAY MEDICAL

JOY CASES

LADY BOOSTERS

LADY RISING SUNS

LADY TROO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with