^

PSN Palaro

Belga ‘di kasama: Gilas Final 12 pinangalanan na ni Reyes

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang mas tigasing kopo­nan ang pinili ni head coach Chot Reyes para sa Final 12 ng Gilas Pilipinas II na sasabak sa darating na 27th FIBA-Asia Men’s Championships.

Inihayag kahapon ni Reyes sa pamamagitan ng kanyang Twitter account ang kanyang Final 12 na sasabak sa naturang torneo na nakatakda sa Agosto 1-11 at idaraos sa MOA Arena sa Pasay City at sa Ninoy Aquino Stadium sa manila.

Ang mga ito ay sina 6-foot-11 naturalized center Marcus Douthit, June Mar Fajardo, Ranidel de Ocampo, Japeth Aguilar, Marc Pingris, Jeff Chan, Gabe Norwood, Gary David, Larry Fonacier, LA Tenorio, Jayson Castro at team captain Jimmy Alapag.

Ang naturang listahan ay isinumite na ni Reyes sa Samahang Basketbol ng Pilipinas.

“Just e-mailed final 12 to SBP. Waiting for their go-signal before releasing to the public,” sabi ni Reyes.

Pinasalamatan naman ni Reyes si 6’5 Beau Belga ng Rain or Shine sa pagsama nito sa kanilang mga ensayo.

“Beau Belga: the ultimate professional. Tough to tell him,” sabi ni Reyes kay Belga ang pinakahu­ling idinagdag niya sa Gilas training pool. “But in the end he understood what’s best for the team. Dakila ka.”

Ikinarangal naman ni Belga ang pagkakabilang niya sa Gilas training pool ni Reyes.

“Salamat coach. Thank you din sa pagtitiwala,” wika ni Belga kay Reyes.

Ang Taipei at Jordan ka­sama ang Saudi Arabia ang makakalaban ng Gilas II sa first round ng 2013 FIBA-Asia Men’s Cham­pionships, ang tumatayong qualifying tournament para sa 2014 FIBA World sa Spain.

 

ANG TAIPEI

ASIA MEN

BEAU BELGA

CHOT REYES

GABE NORWOOD

GARY DAVID

GILAS PILIPINAS

JAPETH AGUILAR

REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with