^

PSN Palaro

Zamora humataw: Mapua Giba sa Lyceum

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

(The Arena, San Juan)

4 p.m. EAC vs San Beda

6 p.m. SSC vs Perpetual

 

MANILA, Philippines - Nasunod ang plano ni Lyceum head coach Bonnie Tan na posasan ang mga kamador ng Mapua na sina Joseph Eriobu at Kenneth Ighalo para kunin ang 74-59 panalo sa first round ng 89th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan.

Umiskor si Dexter Za­mora ng game-high 22 points para sa Pirates, ha­bang nagdagdag sina Sha­ne  Ko at Wilson Baltazar ng 15 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod.

Tumabla ang Lyceum sa three-time champions San Beda mula sa kanilang magkatulad na 2-1 kartada sa ilalim ng Letran (2-0) at Perpetual (2-0) kasunod ang Jose Rizal (1-1), Ma­pua (1-2), Arellano (1-2), San Sebastian  (1-2), Emilio Aguinaldo College (1-2) at St. Benilde (0-2).

Sina Eriobu at Ighalo ay tumipa ng 30 at 21 points, ayon sa pagkakasunod, sa 104-99 double overtime win ng Cardinals kontra sa Stags noong Lunes.

Ang dalawa ay nilimita­han ng Pirates, tinalo ang Red Lions, 70-66, sa ka­nilang unang laro noong Hunyo 24 sa pinagsamang 9 points.

Naglista si Jeson Cantos ng 16 points kasunod ang 15 ni Mark Brana para pangunahan ang Mapua ni Atoy Co.

Hindi rin nakahugot ng produksyon sa free throw line ang Cardinals nang maglista ng malamyang 12-of-22 shooting maliban pa ang kanilang 24 turnovers dahil sa depensa ng Pirates.

ATOY CO

BONNIE TAN

DEXTER ZA

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

JESON CANTOS

JOSE RIZAL

JOSEPH ERIOBU

SAN BEDA

SAN JUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with