^

PSN Palaro

6-teams na maglalaban-laban sa PSL: Palaban lahat sa korona

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang itulak-kabigin sa anim na koponang mag­lalaban-laban para sa kampeonato sa kauna-unahang Philippine SuperLiga na magsisimula sa Linggo sa Philsports Arena sa Pasig City.

Ito ay dahil sa katotoha­nang malakas ang mga manlalarong bubuo sa mga magtatagisan na agad na makikilatis sa unang araw ng kompetisyon dahil lahat ng teams ay sasalang sa aksyon.

Ang mga dating pambato ng UAAP champion La Salle na sina Michelle Guambao, Maureen Pene­trante, Stephanie Mercado at Ivy Remulla ay magkakasama sa Bingo Milyonaryo na hawak ni Ronald Dulay.

Ang mahusay na libero na si Jennelyn Reyes ay makakasama nina Venus Bernal at Michelle Datuin sa Cignal na hawak ni NCAA champion coach Sammy Acaylar habang sina dating San Sebastian players Lou Ann Catigay at Laurence Latigay ay ma­kakasama sina Adamson players Pau Soriano at Lislee Ann Patone sa PLDT-MyDSL na gagabayan ni Francis Vicente.

Ang manlalaro at coaches ng iba pang kopo­nan ay sina Gretchen Ho, Charo Soriano at Roxanne Pimentel sa Petron na hawak ni Vilet Ponce-de Leon; Wendy Semana, Jheck Dionela, Joyce Tu­bino sa Cagayan Valley ni coach Nes Pamillar;  at sina da­ting national player Mary Jean Balse, Michelle at Marietta Carolino ng Philippine Army-TMS Shipping na hawak ni coach Rico de Guzman.

Si Shanrit Wongprasert, na EVP ng  Asian Volleyball Confederation (AVC) sa Southeast Asian Zone ay nasa bansa at sasaksihan ang draw para sa mga maglalaro sa opening day bukas.

ASIAN VOLLEYBALL CONFEDERATION

BINGO MILYONARYO

CAGAYAN VALLEY

CHARO SORIANO

FRANCIS VICENTE

GRETCHEN HO

IVY REMULLA

JENNELYN REYES

JHECK DIONELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with