^

PSN Palaro

Tayongtong nagbida sa EAC: Naisahan ang St. Benilde

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

(The Arena, San Juan)

4 p.m. Mapua vs Lyceum

6 p.m. Jose Rizal vs Letran

 

MANILA, Philippines - Isang 15-2 atake sa hu­ling apat na minuto ng laro at free throw ni John Ta­yongtong sa natitirang 5.5 segundo ang nag-akay sa Emilio Aguinaldo College sa 73-72 panalo kontra sa College of St. Benilde sa first round ng 89th NCAA men’s basketball tournament kagabi sa The Arena sa San Juan.

Umiskor sina Tayongtong at Igee King ng tig-16 points, habang humakot si Cameroonian center Noube Happi ng 14 markers at 17 rebounds.

Ang panalo ang nagbigay sa EAC ng 1-2 baraha katabla ang San Sebastian sa ilalim ng Letran (2-0), Perpetual (2-0), three-time champions San Beda (1-1), Mapua (1-1), Arellano (1-1) at Lyceum (1-1) kasunod ang St. Benilde (0-2).

Kinuha ng Blazers ang isang 12-point lead, 70-58, sa huling limang minuto sa fourth quarter hanggang makalapit ang Generals sa 64-70 sa likod ng magkasunod na three-point shots nina Tayongtong at King.

Huling nakaiskor ang St. Benilde mula sa basket ni Paolo Taha para sa kanilang 72-64 bentahe sa 4:14 ng laro.

Isang 7-0 ratsada ang ginawa ng EAC upang makadikit sa 71-72 agwat sa ilalim ng huling dalawang minuto kasunod ang mga turnovers ng dalawang koponan.

Matapos ang eight-se­cond violation ng Blazers, isang foul ni Mark Romero ang nagdala kay Happi sa free throw line sa huling 10.8 segundo para sa kanyang split na nagtabla sa Gene­rals sa 72-72.

Ang isa pang turnover ng St. Benilde ang nagresulta sa foul ni Taha kay Ta­yongtong sa natitirang 5.5 segundo para sa kanyang split na nagbigay sa EAC ng 73-72 kalamangan.

“A win is a win. One thing na very clear na ginawa ng mga bata is resiliency,” sabi ni head coach Gerry Esplana sa kanyang Gene­rals. “They refuse to give up.”

Nauna dito,  binuksan ng EAC ang laro sa paghawak sa 16-4 bentahe bago ito pinalobo sa 15 puntos, 23-8, mula sa isang tres ni King sa first period.

Isinara ng Taft-based cagers ang first half bitbit ang 38-31 abante.

Naagaw naman ng St. Benilde ang third quarter, 61-57, bago kinuha ang 70-58 sa huling limang minuto sa final canto.

Pinangunahan ni Taha ang Blazers mula sa kanyang 17 points kasunod ang 16 ni Romero.

EAC 73 - Tayongtong 16, King 16, Happi 14, Jamon 13, Paguia 8, Arquero 4, Castro 2, Manga 0, Morada 0.

St. Benilde 72 - Taha 17, Romero 16, Sinco 14, Ongteco 9, Grey 8, Deles 4, Carlos 2, Bartolo 2, Jonson 0, Saavedra 0, Garcia 0.

Quarterscores: 27-16; 38-31; 57-61; 73-72.

COLLEGE OF ST. BENILDE

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

GERRY ESPLANA

HAPPI

IGEE KING

ISANG

SAN JUAN

ST. BENILDE

TAYONGTONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with