‘Di lang sa Myanmar Sea games POC-PSC sasalaing mabuti ang mga atleta
MANILA, Philippines - Hindi lamang sa Myanmar SEA Games maghihigpit ang Philippine Sports Commission (PSC) kung ang bilang ng delegasyon ang pag-uusapan.
Ayon kay PSC chairman Ricardo Garcia, sasaÂlain ng mabuti ng POC at PSC ang talaan ng mga atletang ipanlalaban sa SEA Games upang matiyak na makapag-uuwi ng gintong medalya ang kaÂramihan sa pinopondohan ng komisyon.
“Dapat ay noon pa natin ipinaiiral ang ganitong criteria. Dumating na tayo sa puntong hindi isang exposure ang SEA Games para sa ating mga atleta. May ibang tournaments na puwede nilang gawing exposures,†wika ni Garcia.
Nasa 200 ang bilang ng atletang naunang sinala ng Task Force SEA Games pero bababa pa rito matapos daanan nina Garcia at POC President Jose Cojuangco.
“Ang mga atletang tatlong segundo na naiiwanan ay hindi naman magiging mabilis agad kapag nasa Myanmar na sila. Sa mga measurable sports ay madaling makita kung sino ang may tsansa,†ani pa ni Garcia.
Naglalaan na ng P30 milyon sa budyet ng PSC para sa pagsali sa SEA Games ngunit kadalasan ay kinukulang ito at naghahanap pa ng dagdag pondo ang Komisyon dahil sa malaking bilang ng atleta.
Napilitan naman ang POC at PSC na magbawas ng bilang ng delegasÂyon at ipadala lamang ang mga may tsansang manalo ng ginto matapos bawasan ng host Myanmar ang mga events na mahina sila at dinagdagan ang mga sports na malalakas sila.
Kahit ang dating pinaÂpahintulutan na have-moÂney-will-travel ay hindi na rin papayagan.
Sa desisyong ito, tuluÂyan ng mawawala ang football na nais na umapela sa POC at PSC na ipadala sila dahil masisira ang ginagawang pagpapakahirap ng PFF na palakihin uli ang team sport na ito sa bansa gamit ang Azkals.
- Latest