^

PSN Palaro

Labog, Enriquez naghari sa Shell Batangas chessfest

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Kinumpleto ng hindi pinaborang si Marc Labog ang panonorpresa nang kunin ang titulo sa kalalakihan sa 21st Shell National Youth Active Chess Championships Southern Luzon leg sa SM Batangas Event Center noong Linggo.

Winalis ni Labog ang huling apat na laro para makakawala sa naunang pagkakatabla kasama ang siyam na iba pang manla­laro sa ikalimang puwesto.

Ang 35th ranked na manlalaro ng Adamson ay nanalo kay eight seed Gil Ruaya, sixth seed Jan Galan, dating solo lider at third seed Franz Gravil at 14th seed Jerome Villanueva para wakasan ang nine-round tournament bitbit ang walong puntos.

Angat si Labog ng isang puntos sa mga nagsalo sa ikalawang puwesto na sina Jeazzir Surposa, top seed Narquingden Reyes, Kevin Arquero at Ryan Magtabog pero si Surposa na manla­laro ng La Salle ang nalagay sa ikalawang puwesto dahil sa mas magandang puntos sa tie-break.

Naging kampeon sa kababaihan si Jean Karen Enriquez na tinalo si Ro­we­lyn Acedo sa tie-break.

Isang mag-aaral ng NU, si Enriquez na nalagay sa tabla sa fifth place bitbit ang tatlong puntos matapos ang apat na rounds, ay na­nalo kina Eloisa Sta. Rita, Mariel Ba­tulan at dating lider Ve­nice Vicente para makalikom ng anim na puntos ka­­sama si Acedo.

Sa pangyayari, sina Labog at Enriquez ay aabante sa Grand Finals na itinakda mula Setyembre 14 at 15 sa SM Megamall.

Ang torneo ay may basbas ng National Chess Federation Philippines at suportado ng Shell Fuelsave Unleaded at Diesel, Shell Fuel Oils, Shell V Power Nitro at Shell Ri­mula.

vuukle comment

ACEDO

BATANGAS EVENT CENTER

ELOISA STA

ENRIQUEZ

FRANZ GRAVIL

GIL RUAYA

GRAND FINALS

LABOG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with