^

PSN Palaro

King James puwede nang magpahinga

Pilipino Star Ngayon

MIAMI--Maaari nang magpahinga si LeBron James kahit kailan niya gusto.

Siya na ngayon ang two-time NBA champion at isang two-time Finals MVP.

Sa Game 7 ng NBA Finals, humakot siya ng 37 points at 12 rebounds at kinontrol ang halos lahat ng bagay sa dulo ng laro para igiya ang Heat sa 95-88 panalo laban sa San Antonio Spurs.

“This is what it’s all about,” sabi ni James. Da­lawang araw matapos tulungan ang Heat sa overtime win sa Game 6, nagtala si James ng 12 for 23 fieldgoals, 5 for 10 shooting sa 3-point range at 8 for 8 sa free throw line.

At sa season kung saan siya hinirang bilang MVP sa ikaapat na pagkakataon, idinagdag niya ang ikalawang NBA ring sa kanyang koleksyon.

Nakasama siya nina Michael Jordan at Bill Russell bilang tanging mga players sa league history na nanalo ng back-to-back Finals MVP at regular-season MVP awards.

 

BILL RUSSELL

FINALS

MAAARI

MICHAEL JORDAN

MVP

NAKASAMA

SA GAME

SAN ANTONIO SPURS

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with