^

PSN Palaro

Volcanoes pinaghahandaan ang Rugby World Sevens meet

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kasalukuyan nang nasa maigting na paghahanda ang Philippine Volcanoes, ang National Men’s Rugby Sevens team, para sa kanilang debut sa Rugby World Cup Sevens sa Russia ngayong Hunyo.

Ang Volcanoes’ ay nasa kanilang training camp sa Laguna sa ilalim ni dating USA Rugby coach Al Caravelli.

Kabilang sa kanilang mga aktibidad ay ang tatlong training sessions bawat araw, striktong dietary requirements, classroom at video sessions.

 Ang koponan ay binubuo ng mga beterano at bagitong players.

Ang orihinal na bilang na players na 23 ay ibinaba na sa 14.

Ang final team ng 12 players ay pipiliin bukas.

Bibiyahe ang Volcanoes sa Moscow, Russia sa Hunyo 23 para sa torneong nakatakda sa Hunyo 28 hanggang 30.

 â€œThe players are growing individually & as a team by leaps & bounds.” sabi ni Caravelli. “While we are still very new to international Rugby we are learning every day & continuously improving.”

Ang Rugby World Cup Sevens ay ang pangunahing Rugby Sevens tournament na nagtatampok sa top 24 teams sa buong mundo.

“We want to improve from our last international showing from qualifying in November for the RWC7s & the Hong Kong Sevens in 2012. We have never played Kenya, they are a quality team,” sabi ni Caravelli.

AL CARAVELLI

ANG RUGBY WORLD CUP SEVENS

ANG VOLCANOES

CARAVELLI

HONG KONG SEVENS

HUNYO

NATIONAL MEN

PHILIPPINE VOLCANOES

RUGBY SEVENS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with