^

PSN Palaro

‘Di na pakakawalan ng San Miguel Beer

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na pakakawalan pa ng San Miguel Beer ang momentum sa pagharap uli sa Indonesia Warriors para sa ASEAN Basketball League (ABL) Finals.

Game Three ang ta­gi­san na gagawin sa ganap na alas-8 ng gabi (Manila time) sa Mahaka Square sa Jakarta, Indonesia at kahit dayo ang Beermen ay gagawin nila ang lahat para hiyain ang host team.

“We have the momentum so we would want to fi-nish the series early,” wika ni Beermen coach Leo Austria.

Kung mapangatawanan ang plano, ito ang unang titulo ng Beermen sa dalawang taon na paglahok sa liga.

Maipaghihiganti rin ng San Miguel ang pagkatalong ipinalasap ng Warriors sa kanila noong nakaraang taon kung makuha ang ta-gumpay.

Ang Game  4 ay gagawin din sa Indonesia at sakali mang maisuko ng Beermen ang dalawang laro ay babalik ang serye sa Pilipinas para sa deciding Game 5.

Pero ayaw na ni Austria na umabot pa sa deciding game ang serye kaya’t nananalig siyang hindi ma­wawala ang naipakitang tikas ng koponan nang kunin ang 75-70 at 66-65 panalo sa unang dalawang pagkikita sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

“Maganda ang serye at talagang mahigpitan. Ina­asahan kong dikitan pa rin ang labanan pero kung makakakita kami ng pagkakataon ay sasamantalahin namin ito para matapos na ang best-of-five series,” dagdag ni Austria.

Sina Brian Williams, Asi Taulava, Justin Williams, Leo Avenido at Chris Banchero ang mga mangunguna sa Beermen para makumpleto ang 3-0 sweep.

vuukle comment

ANG GAME

ASI TAULAVA

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

CHRIS BANCHERO

GAME THREE

INDONESIA WARRIORS

JUSTIN WILLIAMS

LEO AUSTRIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with