Washington, Taha nasungkit ng Globalport Aguilar sa ginebra na
MANILA, Philippines - Kagaya ng dapat asahan, nakuha ng Barangay Ginebra si 6-foot-9 Japeth Aguilar mula sa Globalport bilang bahagi ng isang three-team, five-player trade kahapon.
Sa paghugot kay Aguilar, ibinigay ng Gin Kings sa Batang Pier si 6’8 rookie center Yousif Taha at isang 2013 first round draft pick sa PBA Rookie Draft.
Si Aguilar ay makakatuwang nina LA Tenorio, Jayjay Helterbrand, Mark Caguioa at Kerby Raymundo sa Ginebra.
Matapos makipaghiwalay kay Aguilar, nabunot ng Globalport si veteran forward Jay Washington mula sa Petron Blaze kapalit ni 6’7 rookie Jayson Deutchmann.
Bukod kay Washington, nakamit din ng Batang Pier ang 2016 at 2017 second draft pick ng Boosters.
“Jaywash and Taha fill the void and weaknesses of Globalport in the post,†sabi ni Globalport team owner Mikee Romero kina Washington at Taha. “Also, we can use the pick we got to rebuild our team.â€
Ang 6’8 na si WaÂshington ang sinasabi rin ni Romero na makakapagpatigas sa kanilang opensa at depensa.
“With the addition of Washington, things are looking good for us. I’ll be happy if we advance to the playoff round this time around,†ani Romero.
Si Washington ay makakasabayan nina two-time PBA Most Valuable Player Willie Miller, Sol Mercado at Gary David.
Nasangkot naman ang Barako Bull matapos makuha si Elmer Espiritu mula sa Ginebra kapalit ng kanilang 2013 first round pick.
- Latest