Birthday wish ni Pia Isaac
Kaarawan ngayon ng maybahay ni Blackwater Sports coach Leandro Isaac na si Pia Gamboa-Isaac. Hindi na natin tatanungin kung ilang taon na siya pero lalo lang naman siyang gumaganda sa paglipas ng paÂnahon.
Hindi rin natin tatanungin sa kanya kung ano ang kanÂyang ‘birthday wish.â€
Para kasing naririnig natin ang iniisip niya at idinaÂdasal.
Isang kampeonato para kay Leo.
Ano ba ang theme song nilang mag-asawa?
“Deja Vu?â€
Hindi man iyon ang kanilang theme song, aba’y parang ganoon ang puwedeng mangyari bukas sa Game Two ng best-of-three Finals ng 2013 PBA D-League Foundation Cup sa pagitan ng Blackwater Sports at poÂwerhouse NLEX.
May 1-0 bentahe ang Elite matapos na magwagi sa Game One, 70-67 noong Huwebes. Kung makakaulit sila bukas, aba’y magkakampeon na ang Blackwater Sports at magwawakas na ang dominasyon ng Road Warriors sa D-League.
Kasi nga’y apat na sunod na kampeonato na ang mapapanalunan ng NLEX buhat nang magsimula ang D-League. Walang ibang koponang nakatikim ng kampeonato sa torneong ito kundi NLEX.
Sumubok ang Cebuana Lhuillier, Freego Jeans, Big Chill at Cagayan Valley subalit sila’y winalis ng NLEX sa mga nakaraang Finals ng D-League.
Parang ‘unbeatable’ ang NLEX. Sobrang lakas, e. Kaya nga iilan lang ang nagsabing may tsansa ang Blackwater Sports na patumbahin ang higanteng ito.Lahat halos ay nagsabing makakamtan ng NLEX nang walang kaabug-abog ang ikalimang sunod na kamÂpeonato. Parang second place lang ang pinaglaÂlabanan palagi.
Pero iyan ang nais baguhin ni Isaac. Nais niyang magsulat ng paibagong kabanata sa D-League.
Hindi naman bago ang sitwasyong ito para kay Isaac.
Kaya nga nasabi nating ‘deja vu’ ito, e.
Nangyari na ito noon, kung natatandaan ninyo pa.
Naganap ito noong mid-90s sa dating Philippine Basketball League.
Sa puntong iyon kasi, ang naghahari sa PBL ay ang Stag Pale Pilsen na hawak ni coach Alfrancis Chua. Ang koponan ay pinangungunahan nina Marlou Aquino at Bal David.
Unbeatable rin ang Stag Pale Pilsen noon. Sunud-sunod ang kampeonatong napanalunan ng koponang ito. Kaya naman dumating sa puntong sinabi ng karamihan na hindi na ito bagay sa PBL. Dapat ay pumanhik na ang koponan sa PBA. Na ginawa naman ng Stag na nakilala bilang Tanduay Rhum sa pro league.
Pero bago umakyat ang Stag sa PBA ay nakaharap nito sa Finals ng PBL ang Dr. J Rubbing Alcohol na noo’y hawak ni Isaac. Underdog ang Dr. J Rubbing Alcohol subalit naniwala si team owner Rudy Mendoza na kaya nilang magwagi kahit pa matindi ang Stag. E ganoon din naman ang paniniwala ni Leo.
Hayun, binulaga ng Dr. J Rubbing Alcohol ang lahat. Hiniya nito ang Stag Pale Pilsen at napanalunan nila ang kampeonato.
Ganoon ang sitwasyon ng Blackwater Sports ngaÂyon.
Makamtan kaya ni Pia ang birthday wish n iya?
- Latest